This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    VP Leni: Enerhiya ng mga taga-suportang Ilokano ay tutulong sa kanyang magtagumpay

    VP Leni: Enerhiya ng mga taga-suportang Ilokano ay tutulong sa kanyang magtagumpay

    Nagpasalamat si Vice President Leni Robredo sa kanyang mga taga-suporta mula sa Ilocos region para sa kanilang mainit na pagtanggap, kahit pa balwarte ng kanyang karibal sa pagka-Pangulo ang naturang rehiyon.

    “Kahit pumunta ako sa Region 1 noong 2016, hindi ko naramdaman 'yung ganitong klaseng energy. And I'm sure you will all agree with me. 'Yung energy ngayon kakaiba,” sinabi ni Robredo sa online rally ng Robredo People’s Council (RPC) Region 1 nuong Huwebes, ika-27 ng Enero.

    Inalala ni Robredo, na nagmula sa Bicol, na noong 2016, sinabihan siya ng mga tao na huwag nang bumisita sa Ilocos region, ngunit pinilit pa rin niyang pumunta.

    “Expected naman yung results ng eleksyon. Talagang napakaliit na percentage yung nakuha ko sa Region 1. Pero wala akong pagsisisi na pumunta ako, kasi actually, yung botong nakuha ko, ‘yun yung botong nilamang ko noong eleksyon,” ani Robredo.

    Noong 2016, nanalo si Robredo sa pagka-Bise Presidente ng mahigit 200,000 na boto laban sa anak ng diktador na si Ferdinand Marcos, Jr.

    Sa darating na halalan sa ika-9 ng Mayo, muling nahaharap sa matinding laban si Robredo, ngunit tiwala siyang sapat na lahat ng pagsisikap ng kanyang mga taga-suporta para dalhin siya sa tagumpay.

    “The road ahead might be very difficult pero I am very hopeful, I am very inspired with what I see. Pag sinabi kong what I see, yung mga ginagawa ninyo,” ani Robredo. Tinutukoy niya ang pagsisikap na ginagawa ng mga volunteers at tinawag ito ni Robredo na isang “people’s campaign”.

    Sinabi niya na ang enerhiya na natatanggap niya mula sa mga taga-suporta ay dapat gamitin upang ipaglaban ang nais natin para sa ating bansa.

    “Gamitin natin yung energy na ito para maipaglaban natin yung mga gusto nating ipaglaban. Yung klase ng gobyerno na paniniwala natin is best for our people,” sabi niya.

    "Kung nagawa natin sa Office of the Vice President, kung nagawa natin na salat sa resources, yung mga maraming bagay na nagawa natin, imagine kung ano pa ang kayang gawin kapag ang buong enerhiya ng gobyerno talagang nakatutok sa kapakanan ng Pilipino. Ito yung sinasabi natin na aangat ang buhay ng lahat kung ang gobyerno, tapat,” dagdag ni Robredo. [End]

    Posted in Press Releases on Jan 28, 2022