This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    VP Leni, environmental groups pumirma ng kasunduan na nagbabalangkas ng plano para sa kalikasan sa ilalim ng Robredo presidency

    VP Leni, environmental groups pumirma ng kasunduan na nagbabalangkas ng plano para sa kalikasan sa ilalim ng Robredo presidency

    Pumirma si presidential aspirant Vice President Leni Robredo ng isang kasunduan kasama ang iba’t ibang environmental groups na nagbabalangkas ng kanyang agenda para sa kalikasan kung siya ay mahalal na Pangulo ng bansa sa darating na 2022 elections.

    Ang pagpirmang ito ni Robredo sa kasunduan ay isang pahayag na magiging isa sa mga prayoridad ng kanyang administrasyon ang environmental protection at preservation.

    Ayon sa kasunduan: “Recognizing the solemn duty of the President of the Philippines to safeguard the right of the Filipino people to a balanced and healthful ideology; we make a shared commitment to a people-centered sustainable development that ensures food security, human rights and preserves our country’s biodiversity, natural resources and ecological landscapes for the welfare of all.”

    Pinirmahan ito ni Robredo sa Office of the Vice President nuong Biyernes, ika-14 ng Enero, kasama ang mga representatives mula sa LILAK, o ang Purple Action for Indigenous Women; NASSA-Caritas Philippine Ecology Program; Healthcare Without Harm; Environmental Studies Institute – Miriam College; Alyansa Tigil Mina; Philippine Permaculture Association; GreenAgenda4Leni; at EnviRobredo.

    Nagpahayag din ng suporta ang iba’t ibang environmental groups na lumahok sa pagpupulong via zoom.

    Sa kanyang mensahe, sinabi ni Robredo na mahalagang bigyang pansin at tugunan ang kasalukuyang kalagayan ng kalikasan.

    “Pag tayo ay nabigyang pagkakataon mamuno, ang una natin kailangan harapin ‘yung reality na parang over the years, alam na natin na very vulnerable ‘yung ating bansa. Alam natin na marami tayong mga ginagawa na hindi naaayon sa dapat,” ani Robredo.

    Hiniling din ng Bise Presidente ang tulong ng mga environmental groups na maipaliwanag sa mga tao kung gaano kahalaga na alagaan ang kalikasan. Para kay Robredo, ang tagumpay ng kanyang programa para sa kalikasan ay magdedepende rin sa kooperasyon ng bawat isa.

    “Siyempre we started working together already when we developed the 10-point agenda, but let this be a continuing effort. Siguro ang challenge, papaano ba natin itong agenda na ito mata-translate into terms na ramdam ng tao na gut issue ito,” ayon kay Robredo.

    Ayon kay Robredo, ilan sa mga isusulong niya ay ang pagkakaroon ng maliwanag na land use policies, food sovereignty, pag-resolba sa plastic pollution, climate justice, ang pangangasiwa ng mga minerals kung saan prayoridad ang local community development, at pag-transition sa isang ligtas, malinis, at affordable energy.

    Ilan beses na rin binigyang diin ni Robredo na kailangan pagtuunan ng pansin ang pangangalaga sa kalikasan at bumuo ng mga polisiya na angkop at kumikilala sa mga epekto ng climate change.

    Lalo nang mahalaga ito dahil nararamdaman na ng maraming komunidad ang malawakang epekto ng mga natural disasters tulad ng bagyo. Huli itong nakita ng lahat nang pinadapa ng supertyphoon Odette ang napakaraming mga probinsya matapos nito manalasa bago mag-Pasko nuong isang taon. [End]

     

     

    Posted in Press Releases on Jan 18, 2022