This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    VP Leni, ikinasa ang pagpapadala ng P49.2 milyong halaga ng shelter repair kits at rebuilding tools para sa mga apektado ng Odette

    VP Leni, ikinasa ang pagpapadala ng P49.2 milyong halaga ng shelter repair kits at rebuilding tools para sa mga apektado ng Odette

    Tinupad ni Bise Presidente Leni Robredo ang kaniyang pangako na ipagpapatuloy ang pagtulong sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Odette upang makapagsimulang muli ang kanilang komunidad.

    Bumalik si Robredo sa Siargao nitong Biyernes, ika-4 ng Pebrero, para mag-turn over ng housing materials sa limang barangay sa bayan ng Del Carmen at Socorro, na nasalanta ng bagyong Odette noong Disyembre 2020.

    Sa isang post sa Facebook, ibinahagi ni Robredo na tuluy-tuloy ang pag-ulan sa isla nang dumating siya at ang kaniyang team.

    “Bad weather here… Some parts of the island with electricity already. They are happy that we returned today but they said they are still trying to slowly return to normal,” sabi ni Robredo na tumatakbo pagka-Pangulo sa darating na May 9 national elections.

    Nitong Sabado, ika-5 ng Pebrero, binalikan ni Robredo ang Dinagat Islands, kung saan dinaluhan niya ang groundbreaking ceremony ng unang Angat Buhay project sa Kalikasang Buhay Village sa Barangay Cuarinta sa munisipyo ng San Jose.

    Matapos bisitahin ang mga lugar na nasalanta ng bagyong Odette noong nakaraang Disyembre, sinabi ni Robredo na tututukan ng Office of the Vice President (OVP) ang muling pagbangon at rehabilitasyon ng mga ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga gamit sa pagkumpuni at pagtayo ng bahay.

    Sa ngayon, nakakalap na ang OVP ng P49.2 million na halaga ng shelter repair kits at shelter starter tools para maipadala sa iba’t-ibang lokal na partner organizations para sa 3,538 benepisyaryo sa iba’t-ibang apektadong probinsya.

    Nakipag-partner ang Tanging Yaman Foundation, Inc. at Robredo People’s Council sa lokal na pamahalaan ng Dinagat Islands, Assisi Development Foundation, Inc., at Balaod Mindanaw, Inc. para magtayo ng 200 na kongkretong bahay sa Angat Buhay village na nagkakahalaga ng P20-million para sa mga mahihirap na pamilyang nawalan ng mga tahanan.

    Bukod sa Brgy. Cuarinta, tatayuan rin ng Angat Buhay village ang isa pang relocation site sa Brgy. Boa sa Cagdianao.

    Sa Negros Occidental naman ibabahagi ang Shelter Starter Kits sa Hinobaan, Sipalay, Cauayan, Candoni, Ilog, at Kabankalan para sa mga benepisyaryong sasailalim muna sa pagsasanay kasama ang United Architects of the Philippines bago matanggap ang mga materyales na nagkakahalaga ng P6.2 million. Ang isang Shelter Starter Kit, na nagkakahalaga ng P24,160, ay may kasamang Corrugated Galvanized Iron (CGI), coco lumber, fiber cement board, self-drilling screws, at iba’t-ibang uri ng pako.

    Samantala, mga Shelter Repair Kits na may CGI sheets, coco lumber o flex board at iba’t-ibang uri ng pako ang ibibigay sa mga pamilyang lubhang naapektuhan ng bagyong Odette sa Cebu, Surigao del Norte, Negros Oriental, Bohol at Southern Leyte.

    Maliban sa pagpunta sa mga apektadong lugar sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao sa loob ng 72 oras mula ng manalasa ang bagyong Odette, nagsagawa rin ng relief efforts si Robredo. Nakakalap ng P40 million in cash donations ang Robredo People’s Council, na idinaan sa Tanging Yaman Foundation, Inc. [End]

     

    Posted in Press Releases on Feb 06, 2022