This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    VP Leni, isinusulong ang mga stimulus programs para sa MSMEs at mga nawalan ng trabaho, at ang gobyernong tapat para tugunan ang kawalan ng hanapbuhay sa panahon ng pandemya

    VP Leni, isinusulong ang mga stimulus programs para sa MSMEs at mga nawalan ng trabaho, at ang gobyernong tapat para tugunan ang kawalan ng hanapbuhay sa panahon ng pandemya

    Nanindigan si presidential aspirant Vice President Leni Robredo, Martes, ika-18 ng Enero na kaakibat ng paggawa ng mga programa para makapagsimulang muli ang mga micro, small and medium enterprises (MSME) ang pang-matagalang solusyon na pagkakarooon ng gobyernong tapat para maengganyo ang mga investor at matugunan ang pagkawala ng trabaho ng milyon-milyong manggagawang Pilipino dahil sa pandemya.

    Sa isang online meet and greet kasama ang “Laguna for Leni”, na dinaluhan ng libo-libong taga-suporta ni Robredo, sinabi ng Bise Presidente na dapat gumawa ang gobyerno ng mga programa para sa muling pagbangon ng MSMEs.

    Isa rito ang conditional stimulus grant, na hindi utang, kundi tulong na ibibigay sa kondisyon na hindi magtatanggal ng tauhan ang employer, o kaya’y kukunin nilang muli ang mga tinanggal dahil sa pandemya para muling makapaghanapbuhay.

    “Dapat tulungan natin ‘yung mga MSMEs dahil karamihan sa mga negosyo natin ay … pinamumunuan ng mga maliliit na mga negosyante, at ‘yung MSMEs natin ‘yung nagbibigay ng napakaraming employment opportunities,” sabi ni Robredo.

    Dapat din tulungan sa kapital ang mga MSMEs. “Meron namang may capability pero kulang lang ng capacity na magbayad ngayon, so ang dapat gawin ay bigyan silang access sa mga low interest loans para makapag-umpisa na ulit ng kanilang hanapbuhay,” paliwanag ni VP Leni.

    Para tulungan ang mga nawalan ng trabaho, lalo na kung ang pagkawala nito ay hindi kasalanan ng manggagawa, iminungkahi ni Robredo ang pagsisimula ng programa ng gobyerno tulad ng wage subsidy at unemployment insurance, tulad ng ginagawa sa ibang bansa para maprotektahan ang manggagawa sa panahong naghahanap ito ng bagong mapapasukan.

    Binigyang diin din ni Robredo ang papel ng gobyerno sa pagkonekta sa mga wala o nawalan ng hanapbuhay sa mga available na trabaho, at paggawa ng mga hakbang para maitugma ang mga kinakailangang skills at kaalaman ng mga manggagawa para mapunan ang mga job vacancies.

    Halimbawa, sa job listings platform na Sikap.ph na inilunsad ng Office of the Vice President (OVP) katuwang ang tech company na Elevatech Solutions noong 2020, sinabi ni Robredo na mula sa hindi bababa sa 28,000 na bakanteng trabaho, nasa 16,000 lang ang napunan.

    “Bakit ganoon? Ang daming trabahong available pero walang nagka-qualify. Gusto ko sabihin, dapat ang pamahalaan, siya ‘yung nagsisiguro na meron tayong retraining, meron tayong upscaling para ‘yung mga skills na kinakailangan nung mga trabahong available, natutulungan ‘yung mga kababayan natin na mag-qualify sila doon,” paliwanag ni Robredo.

    Kaugnay niyan, gumawa ang OVP ng programang Angat Buhay Workshop for Aspiring Women Entrepreneurs (AB WAWE) para turuan ang mga maliliit na negosyante hindi lamang ng teknikal na skills, kundi kung paano maging mahusay na negosyante.

    Sa virtual forum, hindi mapigilan ni Luzminda Dela Cruz, taga-Cavinti Laguna at presidente ng grupong Hala Likha ng Lakas ng Kababaihan, na maiyak nang alalahanin ang hirap ng buhay nang mawalan ng kita ang kaniyang negosyong pandan bags dahil sa pandemya.

    Binigyan siya ng OVP ng kapital para gumawa ng mga bayong at produktong gawa sa pandan matapos sumailalim sa AB WAWE training.

    “Pagkatapos po ng training, December 2020 po, isa po ako sa napili ng OVP na mag-supply po ng mga bayong na para gawin pong souvenir ng OVP. So, naging malaking tulong po talaga dahil marami po ang inorder nila. Kailangan ko pong maghanap ng ibang gagawa pa at makatulong po sa aming mga kababaihan dito sa amin. Dagdag kita rin po sa kanila,” kuwento ni Dela Cruz.

    Ngayon, kasama na ang negosyo ni Dela Cruz sa Iskaparate.com, isang online platform kung saan tampok ang Bayanihan Mart para maibenta ng mga maliliit na negosyante ang kanilang mga produkto sa pamamagitan ng website at maabot ng mas maraming mamimili sa kabila ng pandemya.

    “Ngayon po, nag-oonline po kami kaya meron na po kaming kinikita kahit papaano. ‘Yung isa naming product, ‘yung tampipi, ‘yun pong mas marami talagang nag-oorder sa amin. Meron na rin po kaming konting naipon at paikot-ikot po ‘yung puhunan na naitulong sa amin,” sabi ni Dela Cruz.

    Para kay Robredo, kasabay ng mga programang ito ang pagkakaroon ng gobyernong tapat, maengganyo ang mga investor na mamuhunan at magnegosyo sa bansa.

    “Kailangan talaga ‘yung gobyerno maging tapat kasi pag tapat ang gobyerno, ‘yung investors papasok. ‘Yung investors, kung marami tayong mga na-lose na mga investors, lumipat sa Vietnam, lumipat sa kung saan-saan pa, kasi ‘yung uncertainty ang laki. ‘Pag mas maraming investors ‘yung pumasok sa’tin, mas marami din ang trabaho,” ayon kay Robredo. [End]

     

    Posted in Press Releases on Jan 19, 2022