This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    VP Leni isusulong ang regularisasyon ng mga healthcare workers; plano para sa healthcare system ng bansa, inilatag

    VP Leni isusulong ang regularisasyon ng mga healthcare workers; plano para sa healthcare system ng bansa, inilatag

    Binigyang diin ni presidential aspirant Vice President Leni Robredo ang kahalagahan na isulong ng gobyerno ang regularisasyon at kapakanan ng mga medical workers lalo na ngayong pandemya.

    “Sisiguraduhin natin ‘yung regularization ng trabaho ng health workers at exemption nila sa Personnel Salary Cap ay maibigay sa kanila… Kasi ang dami pong health workers ay job order. Ang dami sa kanila hindi pa regularized, pero essential work ‘yung ginagawa nila,” ani Robredo sa isang online meet and greet na inorganisa ng Robredo People’s Council (RPC) nuong ika-21 ng Enero.

    Ayon kay Robredo, mas maeenganyo ang mga medical workers na manatili sa Pilipinas kaysa maghanap ng trabaho sa ibang bansa para sa mas mataas na sweldo kung hindi na sila saklaw ng Personnel Salary Cap.

    “Hindi naman natin sila mapipigilan lalong lalo na kasi marami sa kanila ay may pamilya din na binubuhay. Syempre ‘yung kukunin nilang mga trabaho kung saan mas mapapabuti ‘yung mga pamilya nila,” ani Robredo.

    Dagdag ni Robredo, kailangan matanggap ng mga frontliners nang buo at sa oras ang kanilang mga benepisyo sa ilalim ng Magna Carta for Health Workers.

    “Dapat ‘yung mga nag-aalaga sa atin kapag nagkakasakit tayo, lalo na ngayong panahon ng pandemya, dapat naaalagaan din at na-poproteksyunan sila ng gobyerno,” ayon sa Bise Presidente.

    Ayon kay Robredo, isusulong din nya ang pagbibigay ng mas marami pang benepisyo para sa mga healthcare workers sa pamamagitan ng isang “executive action” tulad ng libreng regular na COVID testing, bayad na COVID sick leaves, at transportation at meal allowances.

    Mula nang magsimula ang pandemya nuong 2020, agad na tumugon sina Robredo at ang Office of the Vice President (OVP) sa mga pangangailangan ng mga healthcare workers at mga pasyente.

    Sa pamamagitan ng programang Angat Buhay at mga katuwang na partners nito, nagbukas ang OVP ng mga libreng dormitory at nagbigay ng libreng sakay para sa mga frontliners.

    Ang mga libreng pandemic response programs naman ng OVP para sa publiko ay ang
    Swab Cab na nagbibigay ng COVID-19 antigen testing, ang Vaccine Express na nagbibigay ng COVID-19 vaccination sa mga komunidad, at ang teleconsultation na Bayanihan E-Konsulta.

    Sa isang forum naman na inorganisa ng Financial Executives Institute of the Philippines (FINEX,) sinabi ni Robredo na dapat magpatupad ang gobyerno ng mas marami pang mga programa para tugunan ang pandemya at mapalakas pa ang ating
    healthcare system, lalo na ngayo’t papasok na sa pangatlong taon ang krisis pangkalusugan.

    “Best practices around the world already show us an effective containment strategy: aggressive testing, integrated mobility databases for tracing, strengthening the capacities of our healthcare system for us to be able to provide the treatment required,” ani Robredo.

    Pinaliwanag ni Robredo na kasama sa epektibong pagtugon ang pagbibigay sa mga ospital at mga frontliner ng kanilang mga pangangailangan, tulad ng maigting na suporta mula sa pamahalaan.

    Dagdag ni Robredo na kailangan matugunan ang bed capacity ng mga ospital para sa isang “more responsive hospital bed to population ratio.” [End]

     

    Posted in Press Releases on Jan 23, 2022