This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    VP Leni, kinikilala ang pag-angat ng sektor ng mga rider; nangakong isusulong ang kanilang kapakanan

    VP Leni, kinikilala ang pag-angat ng sektor ng mga rider; nangakong isusulong ang kanilang kapakanan

    Kinilala ni presidential aspirant Vice President Leni Robredo ang paglago ng sektor ng mga rider, na aabot na ngayon sa bilang na 9.8 milyon sa buong bansa.

    Kasabay nito, para kay Robredo, mahalaga ang pagsulong ng gobyerno sa kanilang kapakanan at interes, kabilang ang pagtiyak ng kanilang security of tenure o seguridad sa hanapbuhay at pagsigurong hindi sila magiging biktima ng diskriminasyon.

    Tinalakay ni Robredo sa isang online dialogue na inorganisa ng Robredo People’s Council (RPC) kasama ang grupong Kagulong-R4L, nitong Martes, ika-11 ng Enero, ang mga isyung kinakaharap ng mga rider at kung paano niya tutugunan ang mga ito kapag nanalo siya bilang Pangulo sa Mayo 2022.

    “Malinaw 'yung posisyon ko sa pagsulong ng interes ng mga riders, at ito 'yung protektahan ang karapatan, kapakanan, kaligtasan ninyo,” ayon kay Robredo.

    Dito sinabi ni Robredo na ang mahalagang serbisyong ihinahatid ng mga rider sa publiko lalo na sa panahon ng pandemya ang siya mismong dahilan ng pag-usbong ng kanilang sektor.

    Nabanggit din ni Robredo na may isang bagong pag-aaral na nagpapakita na pumapang-anim ang Pilipinas sa buong mundo pagdating sa revenue growth mula sa sektor ng mga rider.

    Lumalabas din na nasa 90 porsyento ng mga rider ay nabibilang sa basic sector o ‘yung mga nasa laylayan ng lipunan.

    Dahil dito, naniniwala si Robredo na ang numero unong proteksyong maibibigay sa kanila ng gobyerno ay ang pagtitiyak ng kanilang seguridad sa trabaho.

    “Sa ‘kin, isang bagay ito na kailangan nating bigyan ng pansin. Kailangan maghabol tayo as far as policy is concerned… Papaano masisiguro na ‘yung mga riders na day in and day out, kahit may sakit, kahit may nararamdaman ay nagta-trabaho pa din. Papaano masisiguro na hindi nila inaalala na bukas makalawa wala na silang trabaho. So ito ay magiging commitment ko ito,” pangako ni Robredo.

    Ikinalungkot din ni Robredo nang malaman ang mga kuwento ng mga participant sa online discussion tungkol sa nararanasang diskriminasyon, partikular kapag pinagdududahan sa mga checkpoint o kapag naha-harass ang mga babaeng rider at mga miyembro ng LGBTQ+. Ibinahagi naman ng isang drayber ng truck sa Zoom chat box kay Robredo kung paano raw sila ituring ng iba bilang “salot ng lipunan”.

    Nangako si Robredo na isusulong ang pagpasa ng Anti-Discrimination Bill at babalikan ang RFID system, na kung saan hindi patas ang turing sa mga rider.

    Nais ni Robredo na makita ang pagpasa ng People Empowerment Act, na kaniyang inihain noong siya ay congresswoman ng Naga noong 2014.

    Paliwanag niya, layunin ng Empowerment Bill na payagan ang mga stakeholder mula sa iba’t ibang sektor na makilahok sa governance o pamamalakad sa pamamagitan ng People’s Council sa mga sangay ng lokal na pamahalaan. Nakabatay ito sa Naga City People’s Council, na nilikha ng namayapa niyang asawa, si dating Naga City mayor at Interior Secretary Jesse Robredo.

    “Kasi may kasabihan diba, lalong maliit, lalong kaunti 'yung meron ka, as far as resources is concerned, 'yung napapag-iwanan ng batas, ‘yung napapag-iwanan ng lipunan, dapat siya 'yung mas binibigyan ng proteksyon ng batas. So, 'yung sa kin, commitment ko 'yun sa inyo,” sabi ni Robredo.

    Sinusuportahan din ni Robredo ang pagpasa ng Motorcycle Taxi Law, na magsasaayos ng paggamit ng motorcycle taxi bilang pampublikong transportasyon. Sa ganitong paraan, nakikita ni Robredo na mapoproteksyunan hindi lang ang motorcycle rider, kundi ang pasahero, lalo na’t pangunahing transportasyon ang mga motorcycle taxi sa mga probinsya.

    Suportado rin ng Bise Presidente ang Philippine Road Safety Institute bill ni Senator Leila de Lima, na naghahangad na mahalal muli sa ilalim ng Robredo-Pangilinan senatorial ticket. [End]

     

     

    Posted in Press Releases on Jan 13, 2022