This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    VP Leni: Maaaring makipag-partner ang OVP sa mga LGU sa labas ng Metro Manila para sa pagtugon sa pandemya

    VP Leni: Maaaring makipag-partner ang OVP sa mga LGU sa labas ng Metro Manila para sa pagtugon sa pandemya

    Sinabi ni presidential aspirant Vice President Leni Robredo nuong Martes, ika-18 ng Enero, na ang kanilang opisina ay bukas sa pakikipag-partner sa mga lokal na pamahalaan sa labas ng Metro Manila na nakararanas ng surge sa mga kaso ng COVID-19 upang maampat ang pagkalat ng sakit sa kanilang probinsya sa pamamagitan ng iba’t-ibang inisyatibo.

    Sabi ni Robredo na ang Office of the Vice President (OVP) ay nakatanggap na ng mga request mula sa iba-ibang LGUs na dalhin ang Swab Cab, Vaccine Express, at Bayanihan E-Konsulta sa kani-kanilang lugar.

    “Gumagawa na kami ngayon ng mga initiatives kung papano matutulungan ‘yung mga probinsya na nakakaranas din ng surge. So, wherever na willing ‘yung LGU to partner with us, dinadala namin doon,” ani Robredo sa isang interview sa Makati City kung saan binisita nya ang ongoing na OVP Swab Cab.

    Ang OVP Swab Cab ay nagbibigay ng libreng COVID-19 antigen test sa lahat ng gustong malaman kung sila ba ay nahawa ng naturang coronavirus. Kapag sila ay nag-positibo, sila ay bibigyan ng OVP ng COVID-19 care kit at dadalhin sila sa isolation facility. Naniniwala si Robredo na ang publiko ay dapat mabigyan ng libreng COVID-19 testing upang maampat ang pagkalat ng sakit.

    Ang Vaccine Express naman ay nag-aalok ng libreng bakuna kontra COVID-19. Nagbibigay din ito ng insentibo tulad ng bigas, relief packages, at mga health kit upang ma-engganyo ang mga taong magpabakuna.

    Ang Bayanihan E-Konsulta ay ang libreng teleconsultation ng OVP. Sa kasalukuyan ay available lamang ito ng mga nasa Metro Manila, Bulacan, Laguna, Cavite, at Rizal. Pero sinigurado ni Robredo na ang kanyang opisina ay naghahanap na ng paraan upang makagawa ng katulad na teleconsultation program sa iba pang bahagi ng bansa, kasama na ang pagbibigay ng mga COVID-19 care kits.

    Ayon din kay Robredo, sa isang sulat ay hiniling na ng kanyang opisina sa Commission on Elections (COMELEC) na payagan silang ipagpatuloy ang mga programa nito kontra COVID-19 kahit magsimula na ang opisyal na panahon ng kampanya sa ika-8 ng Pebrero.

    “Humingi kami ng exemption from Comelec na ‘yung mga COVID-related na mga ginagawa ng office, payagan kami to continue even after Feb. 8, lalo na kasi surge ngayon,” sabi niya. [End]

     

    Posted in Press Releases on Jan 18, 2022