This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    VP Leni: Mga commuter at manggagawa sa sektor ng transportasyon, mahihirapan sa minamadaling modernisasyon ng pampublikong transportasyon sa Metro Manila ngayong pandemya

    VP Leni: Mga commuter at manggagawa sa sektor ng transportasyon, mahihirapan sa minamadaling modernisasyon ng pampublikong transportasyon sa Metro Manila ngayong pandemya


    Maganda man ang hangarin sa likod ng pagsasaayos ng pampublikong transportasyon sa Metro Manila, tingin ni Vice President Leni Robredo na lalong titindi ang kalbaryo ng mga commuter kung ipipilit ang modernisasyon sa gitna ng umiiral na pandemya.

    Sa isang statement nitong Biyernes, ika-18 ng Pebrero, nanindigan ang presidential aspirant na dapat ihinto muna ang pagpilit sa pag-iisa ng mga public utility vehicle (PUV) operators, paggamit ng mga common terminals, at ang sapilitang pag-a-upgrade ng mga jeepney.

    “Gusto po natin ang modernisasyon ng ating public transport. Ngunit ayaw naman po natin bigyan ng karagdagang burden ang ating mga pasahero at drivers. Hindi po natin dapat ipilit ang mga polisiyang hilaw at hindi angkop sa konteksto ng pandemya. Ang pangunahing i-focus po natin ngayon ay maibsan ang kahirapan, ma-revive and ekonomiya at ma-control ang pagkalat ng COVID. Ang mga polisiyang hindi angkop at consistent sa objectives na ito ay dapat isantabi muna,” sabi ni Robredo.

    Ipinaliwanag ng Bise Presidente na iindahin ng mga commuter ang mga banta sa kalusugan at mas mataas na singil sa pamasahe sa paggamit sa mga integrated terminals.

    “May ilang problema po tayong nakikita kung pipilitin natin ang paggamit ng integrated terminals ngayong pandemya. Dagdag gastos sa mga pasahero ang kailangan pang lumipat ulit ng ibang mode of transport para maghahatid sa kanila papuntang Metro Manila,” paliwanag niya.

    “Napipilitan ang mga pasahero na mag-colorum van kasi mas convenient ito at mas mura. Ngunit dahil hindi regulated ang mga colorum van na ito, hindi natin magarantiya ang safety ng mga pasahero. Hindi rin po safe ngayong pandemic na pag halu-haluin ang mga pasaherong galing halimbawa sa iba’t-ibang lugar sa isang terminal bago pumasok sa Metro Manila. Mas lalo itong makakadagdag sa mabilisang pagkalat ng COVID-19,” dagdag ni Robredo.

    Matagal nang gumagamit ng pampublikong transportasyon si Robredo, na sumasakay sa bus pauwi sa Naga City sa Camarines Sur, maski pagkatapos mahalal bilang Pangalawang Pangulo. Kaya naman naranasan na niya ang mga hamong kinakaharap sa pagsakay sa mga PUV.

    Bagamat ang layunin sa paglalagay ng mga common terminal ay para gawing mas maayos at mas madali ang pagsakay ng mga biyahero, ipinunto ni Robredo na sa setup ng mga pasilidad na meron ngayon ay dadagdag lamang ito sa gastos ng mga commuter. Halimbawa, ang mga pasaherong babiyahe patungong North Luzon, kakailanganin nang magbayad nang mas malaki para makapunta sa San Fernando, Pampanga o Baguio, lalo’t ang taas-pasahe ay naglalaro sa 22% hanggang 96%.

    Dagdag niya, apektado rin maging ang mga manggagawa sa sektor ng pampublikong transportasyon dahil sa mga bagong polisiya.

    “At dahil mas pipiliin ng mga pasahero ang mag-colorum, mababawasan din po ang kita ng mga manggagawa sa sector ng transportasyon. Kaya po habang may pandemya, ang solusyon ay hayaan munang pumasok ang mga provincial buses sa Metro Manila at gamitin ang kani-kanilang terminal. Bawas gastos po ito sa mga pasahero,” ani Robredo.

    Gaya ng ibang mga industriya, kailangan din ng sektor ng pampulikong transportasyon ng sapat na suporta para makabangon mula sa pandemya.

    “Marami pong umaasa ng kabuhayan sa public transport sector. Andyan po ang ating mga drivers, konduktor, mga mekaniko. Napakahalaga pong matugunan din natin ang kapakanan nila. Imbis na brasuhin para i-upgrade ang kani-kanilang fleet, bigyan din po sana natin sila ng saklay at alalay. Bahagi po sila ng ating economic frontliners dahil sila ang nagdadala sa ating mga manggagawa sa kanilang trabaho,” ayon kay Robredo.

    Sinegundahan ni Robredo ang apela ng sektor ng pampublikong transportasyon sa gobyerno na suportahan sila sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga subsidiya o pautang lalo’t iniinda pa nila ang mas maliit na kita dahil sa limitadong kapasidad na pinapayagan para sa mga PUV.

    Matagal nang itinutulak ni Robredo na payagan ang mga pampublikong bus sa Metro Manila mula pa noong siya ay nakaupo bilang congresswoman. [End]


    Editor’s Note: In the second to the last paragraph of the English version of this press release, we inadvertently wrote “Napahalaga” instead of “Napakahalaga”. We apologize for the mistake.

     

    Posted in Press Releases on Feb 18, 2022