VP Leni on reactions to the COA findings on various government agencies
Nakikita natin ‘yung mga reaksyon sa findings ng COA sa iba’t ibang ahensya.
Malinaw dapat sa atin: Kaya tayo may mga proseso at regulasyon na kailangang sundin, para masigurong walang korapsyon sa pamahalaan, walang nananakaw, walang nalulustay. Dito pumapasok ‘yung trabaho ng COA—para masiguro na tapat at seryosong nasusunod ang mga prosesong ito.
Hindi natin dapat minamasama ‘yung mga reports na ‘to. In fact, binibigyan pa nga tayo ng opportunity na sumagot, na magpaliwanag, na maging mas transparent sa systems and processes natin. So when these reports and audits come—we must respond. Kasi we owe it hindi lang sa COA, pero mas importante, sa taumbayan. Kung ang trabaho ng COA, ilatag ang mga audit reports para siguruhing walang halagang napupunta sa ‘di dapat kalagyan, ang tungkuling hinihingi naman sa government agencies: Ang magpaliwanag, ang tumugon, at bigyang-linaw ang mga tanong; na siguruhing sa lahat ng mga proyektong ginagawa natin, nagugugol ang resources sa tamang paraan.
Kaisa ako sa pag-encourage sa ating auditors na ipagpatuloy ang mabuting trabaho, kasabay ang paalala na may dahilan kung bakit may mga proseso tayong sinusunod—at katuwang natin ang COA para maipatupad ‘yung tunay na mabuting pamamahala.
- 30 -