This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    VP Leni Robredo on Marawi Rehabilitation, politicians shifting parties, local officials declaring support for her presidential bid

    VP Leni Robredo on Marawi Rehabilitation, politicians shifting parties, local officials declaring support for her presidential bid

    Meeting with CSO, ALK and Bangsamoro for Leni

    Curly Frost, Marawi City, Lanao del Sur

     

    REPORTER 1: Ma’am, kung manalong presidente ano po iyong plano mong idagdag sa Marawi rehabilitation? May plano bang ipa-audit ang Task Force Bangon Marawi? At saka anong plano for the displaced families who are still longing to go back?

    VP LENI: Ako, tingin ko hindi kaya sa kaunting panahon iyong plano for Marawi kasi napakarami. Pero iyong sa akin, ang pinaka-buod noong plano, bigyan ng mas maraming boses iyong mga taga-rito. Bigyan ng mas maraming boses iyong taga-rito pagdating sa compensation bill, pagdating sa proseso sa lahat ng ginagawa para sa rehabilitation after the Marawi siege. Napakaraming kailangang gawin dito pero dapat kasi siya whole of government approach. Hindi siya puwedeng hiwa-hiwalay. Ang pinaka-dream natin dito and ito iyong pinagtatrabahuan natin since ako umupo, iyong masiguro na iyong mga pinaka-basic sectors dito ma-empower at mabigyan ng boses. Kasi iyon lang iyong tanging paraan para iyong mga saloobin nila magkaroon ng platform na kabahagi sila sa pamamahala. Alam natin kung ano iyong ugat ng lahat na problema rito. At iyong ugat ng lahat na problema rito iyong kakulangan talaga ng empowerment, iyong poverty. So dapat iyong programa, lahat iyon ma-address. Hindi siya puwedeng i-address na parang mas reactive lang tayo. Ang dapat na pag-address sa problema rito babalikan kung ano iyong root cause ng mga problema at iyon iyong ayusin. Kasi ano pa man iyong gastusin mo rito, kung hindi mo mabalikan iyong root cause ng lahat na problema, babalik at babalik lang iyong problema.

    REPORTER 1: Salamat po. One last lang po na follow-up. Kagabi sa Iligan sinabi mo na isa sa mga aayusin mo kapag nanalo ka ay iyong political party system. Ano pong ibig sabihin niyo noon? May nag-expect kasi na baka two political—two-party system na lang sa Pilipinas like Germany, ganiyan?

    VP LENI: Not necessarily. Pero para sa akin, alam natin kung ang nangyayari sa atin elections after elections. Iyong sa atin dito halos hindi nabibigyan ng value iyong mga political parties kasi dito sa atin, ang paglipat ng partido ay para kang nagpapalit lang ng damit, na kung ano iyong convenient sa iyo, iyon iyong gagawin mo na hindi naman iyon iyong role ng political parties. Kasi ang role ng political parties, dapat ito iyong nagpo-provide ng platform para iyong mga advocacies mo at saka iyong principles na tinutulak mo, iyong party iyong pinaka-representation ng mga prinsipyong iyon. Pero sa atin, kung ano iyong partido ng presidente na nakaupo, halos karamihan lumilipat doon, halos karamihan ng mga politiko. And hindi siya nakakatulong sa political maturity ng mga tao. Iyong para sa akin, kung pagdedesisyunan nating ayusin iyong political party system, kailangan mag-umpisa iyon sa electoral reforms. Kailangan bigyan ng mas malawak na participation iyong ordinaryong mamamayan para iyong mga politicians kagaya namin ay nagiging sensitive sa pakiramdam ng mga constituency na pinaninilbihan namin. And hindi siya convenient lang dahil sa pagkakandidatura namin.

    REPORTER 2: Ma’am, assessment niyo sa rehabilitation efforts ng gobyerno four years after the giyera. Tingin niyo mabagal iyong rehab efforts o tama lang?

    VP LENI: Ang dapat nating tanungin iyong mga taga-rito. Ang dapat nating tanungin iyong mga taga-rito kasi in fact, kanina sa isa sa mga usapan, iyong kinukuwento nila na thankful sila dahil finally—finally nag-umpisa na. Nag-umpisa siya during the pandemic. Pero iyong pakiramdam ng lahat ay mas better na bilisan, mas mabuti na lahat na pangangailangan matugonan kasi ang reality ngayon, ang dami pang mga taong hindi pa nakakabalik. Kahit mag-clearing na iyong susunod na problema, maraming mga tao ang walang capacity para mag-rebuild. So iyong tulong talaga ng pamahalaan kailangan sapat para sigurado na iyong mga tao binibigyan mo ng pagkakataon na makabalik sa kaniyang normal na buhay. Parati ko naman itong inuulit na iyong mga Maranao, very resilient people, lalo na kasi karamihan traders. So nakita natin ngayon pagpasok ko, marami nang mga negosyong nagbubukas. Pero mas matutulungan kasi lahat na makabalik sa normal kapag mas mabilis—hindi lang mas mabilis pero mas buo. Mas buo iyong tulong na ibibigay. Gaya ngayon, iyong hinihintay nila iyong compensation package para sa mga naapektuhan. Mayroon silang mga pangamba—mayroon silang mga pangamba halimbawa doon sa sino ba iyong mabibigyan ng accredition na mabibigyan. Kasi alam naman natin iyong realities on the ground. Marami iyong mga nag-o-occupy ng mga lugar dito na hindi maayos iyong mga papeles. So para sa akin, kailangan matugonan iyan. And better na bigyan ng mas maraming opportunity iyong mga taga-rito para maging bahagi ng proseso kasi sila iyong mas nakakaalam kung anong nangyayari dito on the ground.

    REPORTER 2: Iyong pag-iikot niyo sa Mindanao, umpisa na ba ito ng pagkuha niyo ng local support? Iyong Mindanao, alam natin taga-rito si Presidente.

    VP LENI: Ako kasi kahit sinong tanungin mo rito, kahit pa iyong political capital ko rito maliit, iyong Mindanao isa sa pinaka-binigyan ko ng emphasis mula noong naging Pangalawang Pangulo ako. Iyong Lanao del Sur, Lanao del Norte, isa ito sa mga priority areas namin. Kahapon, nandoon ako sa Bukidnon. Iyong Bukidnon, portions of Misamis Oriental ay kabahagi ng mga programa namin. Halimbawa iyong Basilan, Sulu, Tawi-Tawi mayroon kaming mga programa. Iyong Zamboanga Peninsula, marami kaming mga programa. So binabalik-balikan namin siya kasi iyong pinaka-thrust ng aming Angat Buhay program, pupunta kami sa mga lugar na kailangan ng tulong galing sa pamahalaan. And kadalasan, iyong mga lugar na malalayo, iyong lugar na mahihirap, ito iyong masyadong walang access. Ito iyong wala masyadong access sa tulong. So for the past five and a half years, saksi iyong mga tao rito na halos native ako rito. Halos babad—hindi lang halos—pero babad na babad ako rito. Siguro naantala lang iyon noong pandemic because of the travel restrictions, pero ngayon na nag-ease na iyong travel restrictions, balik na ulit ako sa dati kong ginagawa. So may eleksyon, walang eleksyon, alam nila na nandito ako.

    REPORTER 3: Ma’am, if you become president, Ma’am, iyong mga ibang politiko galing ng iba’t ibang partido ay lilinya iyan para maging LP. Tatanggapin niyo ba sila lahat immediately? What do you think?

    VP LENI: Para kasi sa akin, opportunity—opportunity para gawin na natin iyong maraming pagbabago politically na dapat baguhin. Very important element ng progress ng ating bansa kung iyong politics natin ay maayos din. Alam natin hindi nakakatulong iyong pag-shift ng loyalties. Hindi naman kailangan nasa partido ka ng presidente para maging supportive ka pero kailangan sana na iyong partido, iyon iyong nag-a-identify kung ano iyong mga pinaglalaban mo. Pero sa atin, walang ganoon. So sa akin, kapag ako binigyan ng pagkakataon, isa iyon sa mga una kong aasikasuhin—gawaan ng paraan kung papaano i-strengthen iyong ating political system pero…

    REPORTER 3: Will you accept them immediately? Kaagad-agad into your party?

    VP LENI: Hindi ako—I’m not talking about my party, pero iyong political system as a whole. Iyong party ko is just one of the parties doon sa political system. Sa akin, it doesn’t make sense na grabe iyong reklamo ko sa klase ng politika natin tapos kapag ako nakaupo, gagawin ko rin, ‘di ba? So sa akin, ang Liberal Party naman kahit maliit siya, basta ipinaglalaban niya iyong kaniyang mga paninindigan, that is enough. Pero iyong sa akin, iyong political system as a whole, iyong strengthening ng parties, ang daming best practices all over the world na puwede nating gawing models. Hindi natin kailangan na gayahin sila pero gawin natin na models para mapalakas iyong ating political system. Tingin ko, ang laking impact nito sa klase ng governance.

    REPORTER 4: Okay, Ma’am, bago po nangyari iyong Marawi siege, tinutulungan mo ang mga kababayan nating Maranao. How about itong pagbalik nila po sa—[inaudible]—affected area?

    VP LENI: Ako, tuloy-tuloy kami. Tuloy-tuloy kami. Iyong pinaka-intervention namin ngayon livelihood kasi tingin natin ito iyong pinaka-kailangan ngayon. Ang pinaka-kailangan ngayon as you are rebuilding, sisiguraduhin na iyong mga pamilya ay mayroong security na mayroon silang pinagkakakitaan. Halimbawa, doon sa housing project namin sa Area 7, inikot ko iyon bahay-bahay. Nalulungkot ako kasi marami doon na iniwan sa care ng grandparents kasi iyong mga magulang pumunta sa Manila o pumunta sa Cebu, pumunta sa Laguna para maghanapbuhay. Para sa akin, hindi ito maganda pero dahil wala silang choice, kailangan nilang gawin. So ang pinakatulong namin, mabigyan sana sila ng livelihood opportunity dito para habang naghahanapbuhay sila, kasama nila iyong kanilang mga anak.

    REPORTER 3: Ma’am, may mga local chief executives ba na gustong mag-declare ng support sa inyo pero nag-aalinlangan, natatakot mag-declare? Kasi si Mayor Treñas nag-declare na, sa CDO nag-declare na rin po.

    VP LENI: Ako, nagpapasalamat tayo. Nagpapasalamat tayo kay Mayor Jerry, kay Mayor Oca, sa pagdeklara ng suporta kasi alam ko hindi iyon magiging—hindi iyon madali. Alam ko na hindi iyon madali. Doon naman sa may pag-aalinlangan, naiintidihan natin. Pero iyong sa akin kasi ang pinakamahalaga, iyong taumbayan, eh. Pinakamahalaga iyong taumbayan. Of course, iyong suporta ng mga politiko ang laking bagay for us pero sa akin, hindi siya indispensable kung ang taumbayan sumusuporta. At iyon iyong aking nararamdaman ngayon. Iyong nararamdaman ko ngayon, kakaiba iyong eleksyon na ito kasi iyong energy talaga at saka enthusiasm ng ordinaryong mamamayan, ramdam na ramdam namin. Dito na lang sa Lanao pagpasok ko, nasa Iligan ako kagabi, ang daming mga tarps, ang daming mga kung anong ginawa na hindi iyon galing sa amin. Pero iyong mga supporters talaga iyong kumakayod para tulungan tayo and I think, that is most important.

    REPORTERS: Thank you, Ma’am!

     

    - 30 -

     

     

     

     

     

    Posted in Transcripts on Oct 18, 2021