This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    VP Leni Robredo pinuntahan ang mangrove project sa Zamboanga Sibugay, ibinahagi ang pag-unlad ng pangingisda sa lugar

    VP Leni Robredo pinuntahan ang mangrove project sa Zamboanga Sibugay, ibinahagi ang pag-unlad ng pangingisda sa lugar

    Binisita ni Vice President Leni Robredo ang isang proyekto para sa rehabilitasyon ng mga bakawan sa Kabasalan, Zamboanga Sibugay na nagbibigay ngayon ng bagong kabuhayan sa mga residente nito.

    Sinamahan ni 2021 Ramon Magsaysay Awardee, Roberto “Ka Dodoy” Ballon, si Robredo sa kanyang pag-iikot sa naturang bakawan. Si Ballon at ilang mga mangingisda ang nanguna sa rehabilitasyon ng mga bakawan sa Kabasalan.

    Habang sakay ng isang floating cottage o balsa, ibinahagi ni Robredo sa pamamagitan ng Facebook Live ang mga pagbabago at naging pag-unlad ng bakawan.

    “Noong bago nila sinimulan itong project na ‘to, itong dagat kung saan nandito tayo ngayon, patay na ‘to. Wala na ‘yung mga isda, wala nang hanapbuhay ‘yung tao,” saad ni Robredo.

    Dagdag ni Robredo, dahil sa kawalan ng kabuhayan noon sa lugar, limang mangingisda na lang ang natira at kabilang duon si Ballon.

    “Lima lang silang natira at nag-umpisa nitong project na ‘to. Tiniyagaan nila ‘yung mangrove plantation. Dahil sa pagtitiyaga, nabuhay ulit ‘yung dagat,” kwento ni Robredo.

    Dahil sa pagsisikap ng grupo nila Ballon, napalago nila ang mga bakawan sa kanilang lugar na ngayon ay pinagmumulan na ng kabuhayan ng mga residente dito. Sa katunayan, nagsipagbalikan na rin ang ilang mga umalis na mangingisda dahil mayroon na silang pinagkakakitaan.

    Pinangunahan ni Robredo ang pagbibigay at paggawad ng Certificate for the Sustainable Livelihood Subsidy sa mga miyembro ng Kapunungan sa Gagmay’ng Mangingisda sa Concepcion (KGMC).

    Ang talabahan ay isa na ngayon sa mga pangunahing kabuhayan sa Kabasalan. Ito ay naitayo ng mga lokal na residente sa tulong ng Office of the Vice President (OVP) at mga katuwang nito.

    Ang programa ay bahagi ng pangako ni Robredo na sustainable livelihood at continuing engagement sa komunidad. Itinataguyod ni Robredo ang people empowerment kung saan ang mga mamamayan ay katuwang sa pagpapaunlad ng bayan.

    Maraming kababaihan, partikular na ang mga balo, ay nagsasaka na ngayon ng talaba.

    “Karamihan sa kanila mga babae, mga balo. Sila 'yung mga kulang ng hanapbuhay,” ani Robredo. “Dati daw nakikisakay lang sila sa ibang may bangka para makiisda pero noong nabigyan na natin sila ng bangka, araw-araw na sila ditong nangingisda. Ito po project po natin ito, talabahan,” ayon kay Robredo.

    Dagdag niya: "Nakakatuwa na happy ‘yung mga tao dito, proud sila ng ginagawa nila. Parati tayong excited tumulong pag nakikita natin na ‘yung kaunting tulong natin goes a long, long way."

    Ibinahagi rin ni Robredo na kung noon ay isang de-motor na bangka ang sinasakyan nila papunta sa bakawan, ngayon ay sa floating cottage na sila nakasakay ni Ballon. Ang Bise Presidente ang unang pasahero ng floating cottage, na ayon kay Ballon ay gagamitin para isulong ang ecotourism sa lugar.

    Noong 2021, kinilala ng Ramon Magsaysay Foundation ang mga pagsisikap ni Ballon sa pamumuno sa kanyang kapwa mangingisda na buhayin ang isang "dying fishing industry by creating a sustainable marine environment.”

    Si Ballon ay nakikipag-ugnayan sa OVP upang ibahagi ang kanyang kaalaman sa iba pang grupo ng mga mangingisda sa bansa.

    “Ang promise nga natin dun sa mga tinuturuan ni Ka Dodoy, madala sila dito para makita nila with their own eyes kung ano talaga ‘yung itsura pag inaalagaan yung environment,” ani Robredo. [End]

     

    Posted in Press Releases on Jan 25, 2022