Message of VP Leni Robredo Bayanihan E-Konsulta
Nasa surge na naman tayo. Sana safe kayo.
Gusto ko lang pong sabihin na gaya nung Swab Cab para sa testing na sinimulan ulit natin, up and running pa rin 'yung ating Bayanihan E-Konsulta. Kung meron tayong nararamdaman at gustong ilapit sa doktor, pwede tayo mag-message sa Facebook page ng Bayanihan E-Konsulta para hindi na natin kailangan pumunta pa ng ospital.
Gusto ko ring ibalita na tuluy-tuloy ang pagbibigay natin ng Molnupiravir sa mga qualified na pasyente sa tulong ng ating partner hospitals. Mag-message lang po kayo sa Bayanihan E-Konsulta. Kung kailangan, irerekomenda kayo ng volunteer doctors natin para sa gamot na ito. Libre niyo makukuha ito at ipapadala ang gamot sa inyo.
Inaasahan natin na dadagsa ulit 'yung mga mangangailangan ng tulong sa E-Konsulta, kaya I want to take this opportunity na manawagan ulit for volunteers.
Nung huling surge sa Metro Manila, nagawa natin ito: 1,078 na doktor, at 3,156 non-medical volunteers ang tumugon sa panawagan natin noon. Ganitong klaseng effort ulit ang kakailanganin natin sa harap ng surge na ito. Kakailanganin natin ang medical at non-medical volunteers kasama rin ang licensed mental health professionals. Nasa Facebook page natin 'yung mga detalye for signing up.
Kailangan ng kapwa Pilipino natin 'yung tulong natin. Ingat po tayong lahat.
[END]