This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    VP Leni Robredo on visit to Bukidnon, programs for women, Sumilao farmers, MSMEs, and malnutrition

    VP Leni Robredo on visit to Bukidnon, programs for women, Sumilao farmers, MSMEs, and malnutrition 

    Visit to Malaybalay’s Choice Handicraft

    Malaybalay, Bukidnon

     

    RADYO AGONG MALAYBALAY: VP Leni, Radyo Agong Malaybalay, VP, with the visit of yours dito po sa Malaybalay’s Choice, mayroon ba kayong plano na mas paigtingin pa ang programa para sa kababaihan dito sa Bukidnon?

    VP LENI: Actually, tuloy-tuloy naman tayo. Tuloy-tuloy tayo. Naantala lang talaga tayo because of the pandemic. Kasi iyong problema kung hindi siguro nagka-pandemic, nakadagdag tayo ng marami pang ibang communities kasi iyon naman iyong thrust. Pero alam kasi natin with the pandemic, nagsara iyong mga schools, nawala iyong tourism, nawala iyong mga convention, so iyong mga demand talaga lumiit. Pero I think, this is a temporary thing. Iyong capacity-building namin, sa Office namin, tuloy-tuloy. Mayroon kaming program na tinatawag na Angat Buhay Workshop for Women Entrepreneurs. Tuloy-tuloy iyon. Tuloy-tuloy na nangyari even with the pandemic.

    Iyong Sumilao project namin hindi affected by the pandemic kasi food siya, eh. So tuloy-tuloy iyon. Mayroon kaming dalawang malaking programa doon. Iyong isa dinala namin iyong Pilipinas Shell Foundation. Nagturo sila ng—parang mas capacity-building siya for the Sumilao farmers na dati kasi mas corn-dependent lang sila sa crops nila. Pero ngayon, nag-diversify. In fact, pati mga hayop ay naggo-grow na rin sila because of that training. Tapos mayroon kaming—gastos ito ng Office namin, hindi private partner—ito naman iyong organic vegetable farming also for the vegetable growers of, ano ito, of Sumilao.

    So tuloy-tuloy siya. Ito lang, iyong ganito lang kina Tita Pearl ay na-affect talaga siya dahil iyong pinaka-market kasi nila mga convention, mga tourists, so na-affect siya. Pero ang very happy ako rito kasi iyong ability nila to shift from one product to another, mabilis talaga.

    RADYO AGONG MALAYBALAY: One last question po. One last question po. With this pandemic, maraming naaapektuhan na small business. Mayroon po ba kayong gagawin para hindi mawala iyong 13th month pay ng mga small business workers?

    VP LENI: Ako, ang sa aking posisyon diyan—and I have said this many times over in interviews already—kapag tiningnan natin iyong ekonomiya ng bansa natin, majority mga MSMEs. And iyong mga MSMEs, dahil maliit sila, sila iyong most affected talaga by the pandemic kasi limited capital, tapos hindi naman sila maka-scale up nang agad-agad kasi maliit nga. So ang dami talagang nagsara. And with the closure, ang daming mga jobs na nawala. Parati kong ina-advocate sa pamahalaan na mag-put up sila ng stimulus package—hindi utang—stimulus package para sa mga MSMEs para mayroon silang ability to keep employing their employees, including giving them 13th month [pay]. Kasi para kasi sa akin hindi lang sufficient na humingi ng 13th month pay kasi ang daming nawalan ng trabaho, eh. So iyong may question lang about 13th month pay, iyong hindi nawalan ng trabaho. Pero ang daming iba na nawalan. So para sana sa akin, conditional na stimulus package. Na bibigyan ka ng grant as long as you keep your employees para may trabaho iyong employees po. Tapos give them the remuneration that they deserve. Kasi kung utang, kahit pa—nakita natin over the past year, na binabaan nang grabe iyong mga interest, walang umuutang. Walang umuutang because of the uncertainty, eh. Pero kung stimulus package siya na hindi mo kailangang bayaran pero nagpa-promise ka sa pamahalaan to keep people employed, mas malaking bagay.

    MODERATOR: Okay, last question from Mark Icaballo po ng RMN Malaybalay.

    RMN MALAYBALAY: Kanina po, VP Leni, pumunta po kayo sa Barangay 1 para umattend ng feeding program doon po. Gaano po kaimportante na masolusyonan po iyong undernourishment lalo na po rito sa ating bansa, sa Bukidnon, at ano po iyong mga patuloy na mga programa ng Opisina po ng Bise Presidente?

    VP LENI: Ito, iyong feeding programs kasi—actually hunger and food security iyon, eh. Hunger and food security. Iyong feeding program is just a part of it. Isa ito sa mga basic thrusts ng Opisina namin. Kasi kapag tiningnan natin ano ba iyong statistics natin? Ang statistics natin, ang dami-daming mga bata—Filipino children—are stunted. Ano bang gustong sabihin ng stunting? ‘Di ba alam natin iyon na pagka-bansot, eh. Pero ang hindi natin nakikita, na hindi lang iyong height at saka weight iyong na-a-affect pero iyong mental faculties ng bata, iyong performance sa school, naaapektuhan talaga. Tapos iyong pinaka-striking dito, after the age of five, irreversible siya. Gustong sabihin kapag napabayaan natin iyong malnourished children na nakalampas na silang limang taon, hindi na natin sila binibigyan ng opportunity makilaban sa mundo, eh. Kasi ano na siya, iyon iyong nireregard natin na bobo o mahina. Actually, hindi iyon bobo o mahina, eh. Pero na-affect iyong kaniyang capacity dahil sa malnourishm—sa pagiging malnourished niya. So iyong programa namin mas comprehensive. Iyong feeding program, bahagi lang iyon doon. Pero gusto naming mangyari na sustainable kasi ang dami namang feeding programs, eh. Pero how sustainable are they? Naalis mo sila sa malnutrition, after a few months bumalik, kasi hindi mo naman na-address iyong root cause. Ang root cause poverty, eh. So sa akin, kung mayroong mga malnourished children, dapat ang inaasikaso hindi lang iyong mga bata. Pero ang inaasikaso iyong family na mabigyan sila ng maraming opportunity na makaangat-angat sila sa buhay para iyong mga anak nila hindi maging malnourished. We have been doing this program in many other places in the Philippines. Malaki iyong aming feeding program sa Panay Island, sa Iloilo Province, particularly. Iyong Northern Palawan, may mga isla sa Northern Palawan na malayo sa centers and malaki iyong malnutrition rate. Gumagawa kami ng feeding programs doon. Some other places in Mindanao, mayroon kaming feeding programs. Pero this is something that we need to do over and over again. Iyong dito sa Malaybalay, nag-start lang siya noong November. Nag-end iyong 120 days na feeding January. Pero iyong programa, tuloy-tuloy. Kabahagi na doon iyong pagsiguro na masu-sustain iyong pagkain para sa mga bata. Okay? Thank you! Salamat, salamat!

     

    - 30 -

    Posted in Transcripts on Oct 17, 2021