This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    VP Leni at Sen. Kiko, pipirma ng kasunduan kasama ang mga grupo ng maralitang tagalungsod sa Lunes

    VP Leni at Sen. Kiko, pipirma ng kasunduan kasama ang mga grupo ng maralitang tagalungsod sa Lunes

    Nakatakdang pirmahan nina presidential aspirant Vice President Leni Robredo at ka-tandem na si Senator Francis “Kiko” Pangilinan ang kasunduan kasama ang Leni Urban Poor Council (LENI UP), isang koalisyon ng mga organisasyon ng mga maralitang tagalunsod na layon tugunan ang mga isyu na kinakaharap ng mga maralita sa buong bansa.

    Magaganap ang pagpirma ng naturang kasunduan sa Lunes, ika-31 ng Enero, sa Leni-Kiko Volunteer Center sa Lungsod ng Quezon. Mapapanuod ito sa pamamagitan ng livestreaming sa Robredo People’s Council (RPC) at Leni Urban Poor Facebook pages.

    Tapat at maayos na pamamahala, at adbokasiya para sa karapatang pangtao ang magiging basehan ng mga ipatutupad na programa nina Robredo at Pangilinan para sa mga maralitang Pilipino, na syang lubhang nakararanas ng lalong paghihirap dahil sa kinakaharap na pandemiya.

    Ang kasunduan kasama ang LENI UP ay naglalaman ng kongkretong plano para tugunan ang in-city housing, on-site redevelopment, libreng pabahay ng National Housing Authority (NHA), mga tulong para pagbangon sa pandemiya, paglikha ng trabaho at pagtaguyod ng People’s Council sa lahat ng ahensya na may kinalaman sa pabahay para masigurong natutugunan ang lahat ng mga pangangailangan ng mga maralita.

    Sa kasalukuyan, may 4.5 milyong Pilipino, o 1.8 milyong pamilya, ang kabilang sa maralitang Pilipino sa bansa. Karamihan sa kanila kay kabilang sa 25 milyong Pilipino na nabubuhay sa P50 to P100 kada araw at karamihan din sa kanila ay apektado ng mga sakit, kawalan ng trabaho, pagtaas ng bilihin at kalamidad.

    Prayoridad ng LENI UP na itulak ang mga isyu na kinakaharap ng mga maralitang Pilipino at labanan ang panunuhol sa kanilang sektor ngayong panahon ng eleksyon. Gagawin nila ito sa pamamagitan ng pagbabahagi na maraming magandang pagkakataon para sa kaunlaran na naghihintay sa lahat sa ilalim ng administrasyong Robredo-Pangilinan.

    Binubuo ang LENI UP ng halos isang libong organisasyon ng maralitang mamayan sa buong bansa.

    Nakatakda din magpulong ang LENI UP at mga kandidato sa pagka-senador na kabilang sa Leni-Kiko ticket sa volunteer center. [End]

     

    Posted in Press Releases on Jan 29, 2022