This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    VPLR at the KBP Presidential Candidates Forum Panata Sa Bayan: The 2022 Presidential Candidates Forum Part 6

    VPLR at the KBP Presidential Candidates Forum
    Panata Sa Bayan: The 2022 Presidential Candidates Forum Part 6


    [START 00:03]

    KAREN DAVILA: Your turn, Vice President Leni Robredo.

    [00:09]

    VP LENI: Unang-una, ano ba ‘yung kundisyon ngayon sa ating mga jail facilities? ‘Yung Bureau of Correction na population, as of June 2017 ito, 41,000 plus. ‘Yung congestion rate dito ay 114%. Mas malala ‘yung BJMP kasi ‘yung BJMP jail population natin, 144,000 plus. Ang congestion rate 582% and more than 70% nito ay drug cases.

    So, ano ‘yung kailangan nating gawin? Unang-una, kailangan i-amend natin ‘yung Dangerous Drugs Law para aayusin natin, ayusin natin na meron na siyang delineation, ano ba ‘yung gagawin kung ikaw ay drug user? Ano ba ‘yung gagawin kung ikaw ay drug dependent? Ano ba ‘yung gagawin kung ikaw ay drug pusher? Kasi dapat iba-iba ‘yung mga penalties na pine-prescribe nito. Ano ‘yung nangyayari? Paminsan drug user ka lang. Nilagay ka sa jail–

    [Bell rings 01:11]

    RICO HIZON: Kayo naman po, Ka Leody, paano niyo tutugunan ang problema ng ating– problema sa droga at ating mga jail facilities?

    LEODY DE GUZMAN: [01:23 - 02:19]

    KAREN DAVILA: Manila Mayor Isko Moreno.

    ISKO MORENO: [02:23 - 03:21]

    RICO HIZON: All right, kayo naman ang susunod, Sen. Ping Lacson.

    PING LACSON: [03:27 - 04:34]

    KAREN DAVILA: All right, maraming salamat po, Sen. Ping Lacson. Para sa huling tanong sa ating KBP Town Hall, mula sa– para sa KBP Luzon, narito si Frederick Pielago ng KBP-Quezon Marinduque Chapter.

    FREDERICK PIELAGO: Ang healthcare services ng mga island provinces ay deka-dekada na pong problema hanggang ngayon. Ang mga provincial at district hospital ay kulang sa doktor at pasilidad. Ang mga government hospitals po dito ay binabansagang “Mona Lisa hospital” dahil they lie there, they die there. Kung ikaw po ang magiging Pangulo, papano po ninyo masosolusyonan ang problemang ito?

    RICO HIZON: Thank you, Frederick, sa inyong tanong. Candidate VP Leni, kayo pong unang sasagot.

    [05:32]

    VP LENI: Ito, tama ‘yung sinasabi niyo. Kaya nga sinasabi ko kanina na dapat talaga meron na tayong mga tertiary hospitals at least per region and per province para ‘yung mga nagkakasakit na kailangan talaga ng healthcare na maayos, hindi na sila kailangan pumunta sa Manila. Ito ‘yung may kakayahang pumunta sa Manila. Pero ito, ‘pag walang kakayahan pumunta sa Manila, ito ‘yung nangyayari, namamatay na lang.

    So, dapat talaga palakasin natin ‘yung community-based na programa sa kalusugan. Kanina na-mention ko na sa opening statement na kailangan ayusin natin, at least ‘yung mga barangay health centers equipped na mga basic equipment, at least may nurse bawat barangay health center. ‘Yung nurse na ‘yun, naka-connect siya sa isang network ng mga doktor na pwede niyang tanungan. ‘Yung capacity-building ng barangay health workers, asikasuhin. ‘Yung sasakyan para idala sila sa center kung kinakailangan, dapat available siya. Kailangan asikasuhin talaga on the community level kasi ‘yung access–

    [Bell rings 06:36]

    KAREN DAVILA: All right, maraming salamat, Vice President Leni Robredo. Ka Leody.

    LEODY DE GUZMAN [06:42 - 07:40]

    RICO HIZON: Maraming salamat po, Ka Leody, sa inyong sagot. Mayor Isko, kayo na po ang susunod.

    ISKO MORENO [07:46 - 08:41]

    KAREN DAVILA: All right. Susunod, Sen. Panfilo Lacson.

    PING LACSON: [08:46 - 09:50]

    RICO HIZON: Maraming salamat, Sen. Ping Lacson. Ang huling sasagot sa tanong naa ito ay si Sen. Manny Pacquiao.

    MANNY PACQUIAO: [10:02 - 10:58]

    RICO HIZON: Maraming, maraming salamat sa ating limang kandidato and thank you so much to all the KBP chapters na naging boses ng mga kababayan natin sa iba’t-ibang sulok ng Pilipinas.

    KAREN DAVILA: Susunod na tanong, sino sa kanila ang karapat-dapat na maging susunod na Presidente ng mga Pilipino? ‘Yan ang abangan natin as our five presidential candidates make their final pitches sa pagbabalik ng

    RICO HIZON: Panata sa Bayan: The Presidential Candidates Forum.

    [BREAK 11:30 - 16:14]

    RICO HIZON: At nasa huling parte na tayo ng Panata sa Bayan: The KBP Presidential Candidates Forum.

    KAREN DAVILA: We have ten official candidates for President in May 2022 elections, but there can only be one winner.

    RICO HIZON: Kung sino sa kanila, ‘yun ang mahalagang pag-isipan nating mabuti. Tandaan, sa kanila nakasalalay ang kinabukasan ng ating bansa sa susunod na anim na taon.

    KAREN DAVILA: Kaya sa panghuling mensahe ng mga kandidato, meron silang tag-iisang minuto para sagutin kung bakit nga ba sila ang karapat-dapat na maging susunod na Pangulo ng Pilipinas. Narito po si candidate Leody de Guzman para sa kaniyang closing statement.

    RICO HIZON: Ka Leody, naka-mute po kayo.

    LEODY DE GUZMAN: [17:02 - 17:55]

    RICO HIZON: Thank you very much, Ka Leody de Guzman. Sunod naman nating pakinggan si candidate Mayor Isko Moreno Domagoso.

    ISKO MORENO: [18:03 - 19:01]

    KAREN DAVILA: Maraming salamat. Your one-minute closing statement, Sen. Ping Lacson.

    PING LACSON: [19:07 - 19:47]

    RICO HIZON: Thank you very much, Sen. Ping Lacson. You’re up next, Sen. Manny Pacquiao, for your closing statement to the Filipino electorate.

    MANNY PACQUIAO: [19:59 - 20:57]

    KAREN DAVILA: All right, at lastly, candidate Vice President Leni Robredo.

    [21:05]

    VP LENI: True leadership is stepping up and showing up, may eleksyon man o wala, kandidato man o hindi. Bilang Vice President ipinakita ko ito sa tapat, sapat at consistent na serbisyo, hindi lang sa pangako, kundi sa gawa.

    Madalas akong sinasabihan, “Mahina ka kasi babae ka.” Pero ni minsan wala akong hamon na inatrasan, mapa Marawi Siege man, laban kontra sa droga, mga volcanic eruption, mga lindol, lahat ng bagyong dumaan at COVID. Tuwing tayo ay kinakailangan, tayo ay tumitindig, tumutulong, lumalaban.

    Ang inaalok kong uri ng pamamahala, isang gobyernong tapat, mahusay, masipag at laging maaasahan. Hindi ka lolokohin, hindi ka nanakawan, hinding-hindi ka iiwan o pababayaan.

    Handang-handa akong harapin ang hamon ng pagiging Pangulo. At ngayong 2022, the last man standing will still be a woman.

    [22:03]

    KAREN DAVILA: Maraming salamat po sa mga kandidato for your closing statement. Sa lahat ng ating narinig ngayon mula sa mga kandidatong humarap sa atin, sana hindi lang ito salita sa hangin.

    RICO HIZON: Kaya bago tayo magtapos, pumayag po ang ating limang kandidatong naririto ngayon na manumpa at lagda ang kanilang panata sa bayan. Ipinadala po namin ang manuscript ng panata sa kanila ahead of time para masipat at pag-aralan. Candidates, stay in your seats, itaas po ninyo ang inyong kanang kamay and repeat after us aloud.

    KAREN DAVILA: Ready na po?

    Ako, si (ang inyong pangalan), [Candidates repeat after Karen Davila and Rico Hizon.]
    na tumatakbo sa pagka-Pangulo ng Pilipinas,
    ay nanunumpa na itaguyod ko
    ang isang malinis, patas at mapayapang halalan
    sa darating na Mayo 2022.

    At kung papalaring maglingkod bilang Pangulo,
    ako’y magiging lider na tapat at may integridad.
    Isusulong ko ang isang pamahalaan
    na malaya sa korapsyon at katiwalian.

    Ipaglalaban ko ang buhay na may dignidad
    para sa bawat pamilyang Pilipino.
    Nangangako ako na laging uunahin
    ang interes ng bansa at kapakanan ng mga Pilipino,
    lalo na ng mga mahihirap nating mamamayan.

    Patnubayan nawa ako ng Diyos.

    KAREN DAVILA: And to our candidates, you may now remove the manuscript from the folder and sign your pledge with the Filipino people as your witness.

    Maraming salamat, and may we now ask our candidates to show their signed pledges. Maari niyo pong itaas, ipakita sa inyong camera ang inyong pinirmahang panata.

    RICO HIZON: Maraming, maraming salamat po sa ating mga kandidato at sa lahat sa inyo for making this solemn vow and commitment. The best of luck po sa inyo at sa lima pang ibang tumatakbo sa pagka-Pangulo.

    KAREN DAVILA: At maraming salamat din po sa ating mga panelist, sa lahat ng mga officers, members at chapters ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP at sa radyo at tv networks at digital platforms na nagsanib puwersa para maihatid po sa inyo ang Panata sa Bayan: The KBP Presidential Forum.

    RICO HIZON: Maraming, maraming salamat po sa pagsali ninyo dito sa amin sa Panata sa Bayan: The KBP Presidential Candidates Forum. [Thanks industry partners]

    [END]

     

    Posted in Transcripts on Feb 04, 2022